Huwebes, Marso 16, 2017

Ang pamahalaan ay responsable sa pamamahala at paggawa ng mga patakarang ipinapatupad upang magkaroon ng disiplina ang bawat sektor ng ekonomiya.

Sektor ng Agrikultura




Agrikultura
[ag-ri-kuhl-too-ra]
lat. ager cultura - paglilinang ng bukirin





Mga Batas Ukol sa mga Reporma sa Lupa:

  • Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan (CARP) - repormang panglupain ng Pilipinas na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquno noong 1988. Ito ay Republic Act 6657. Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Ang mga may aring nagbenta ng lupain ay babayaran ng installment sa 15 taon.
  • Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA) - ang Republic Act 8435 ay batas na nagpapahayag na gawing makabago ang sector ng pagsasaka at pangisdaan ng bansa upang maging kompetitibo sa pamilihan. Nagkabisa ang batas na ito noong Pebrero 9, 1998. Mapapabuti ang pamumuhay ng karamihan ng mga magsasaka at mangingisda, mapataas ang kanilang ani sa gitna ng lumalaking pangangailangan sa mga pamilihan, local man o sa ibang bansa.
  • National Settlement and Rehabilitation Administration (NARRA) - ang Republic Act 1266 ay batas na nagsasaad na ang pamahalaan ay magbabahagi ng lupa sa mga pamilya ng magsasakang walang lupa at sa mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan. Nilagdaan ito ni Ramon Magsaysay noong Hunyo 11, 1955.
  • Land Reform Act of 1955 - ito ang batas ba lumikha sa Land Tenure Administration (LTA) at ito ang may pananagutan para sa pagkuha at pamamahagi ng mga malalaking lupa na inupahan na pinagtataniman ng mais at palay na nasa higit 200 ektarya na para lamang sa mga indibidwal at 600 ektarya para sa mga korporasyon.
  • Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) - ito ang ahensiyang ipinatupad ni Elpidio Quirino na itinatag ng Republic Act 821. Nakakatulong ito sa mga magsasaka na magkaloob ng maliit na pautang sa mababang interes na anim na buwan hanggang walong porsiyento.

Sektor ng Industriya


Industriya
[in-duh-stree-ya]
ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya



Sektor ng Paglilingkod




Paglilingkod
[pag-lee-ling-kod]
sektor na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo at negosyo sa mga konsyumer




Mga Suliranin sa mga Sektor ng Ekonomiya:



Isa sa suliranin sa sektor ng agrikultura ay ang maliit na pondo para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya. Ito ay nagiging problema ng mga magsasaka dahil kung wala silang pondo sa pambili ng mga makabagong teknolohiya na makakapagpagaan ng kanilang trabaho, sila ay lubos na nahihirapan dahil sa kakulangan sa kagamitan.



Bataan Power Plant




Ang kadalasang suliranin naman sa sektor ng industriya ay ang white elephant project o ang pagsasagawa ng mga proyektong hindi naman angkop sa kasalukuyang pangangailangan ng tao. Ito ay pagsasayang ng pondo ng bansa sa mga proyektong hindi naman kapaki-pakinabang.





Isa pang suliranin sa industriya ay ang pagiging import dependent nito. Dahil sa kakulangan ng dolyar sa bansa, napakahirap na matustusan ang mga pangangailangan ng industriya na maangkat ang sarili nating produkto.


Ang karaniwang suliranin sa sektor ng paglilingkod ay ang kontraktuwalisasyon o endo na ang ibig sabihin ay end of contract. Ito ay ang pagkakatali ng isang manggagawa sa isang kontrata na kadalasang hanggang 5 months lamang.







Brain Drain naman ang tawag sa pagkawala ng mga propesyunal dahil sa hindi magandang kalagayan ng pinagtatrabauhan. Ito ang paglilipat ng mga manggagawa sa ibang bansa dahil sa kakapusan ng sahod at karanasan sa Pilipinas.





Mga Solusyon sa mga Suliranin sa mga Sektor ng Ekonomiya:
  • Pagtakda ng tamang presyo sa mga produktong pang-agrikultura
  • Pagbibigay ng subsidy sa maliliit na magsasaka
  • Pagbibigay ng mga impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka tungkol sa mga makabagong teknolohiya
  • Pagkakaloob ng pautang sa mga lokal na negosyante
  • Pagbuwag sa import liberization ng pamahalaan
  • Paghikayat sa mga dayuhang kompanya na hindi kakompetensiya ng lokal na industriya
  • Maglunsad ng taas pasahod sa mga lokal na manggagawa upang mahikayat silang magtrabaho sa bansa
  • Paghasa sa mga hinaharap na manggagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mahusay na sistema ng edukasyon
  • Pagpapalaganap ng Business Process Outsourcing (BPO)

Mga Benepisyong Naidudulot ng mga Solusyong Nabanggit:
  • Magiging maalam ang mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at mapapadali ang kanilang trabaho
  • Mababawasan ang mga umaalis ng bansa para magtrabaho
  • Mahihikayat ang mga maliliit na negosyante na magtayo ng kanilang negosyo
  • Magkakaroon ng dagdag trabaho sa mga manggagawa
  • Mababawasan ang mga imported na materyales na ginagamit
  • Mas magiging mahusay ang mga hinaharap na manggagawa